2 or 3 years ago, takot na takot ako dun sa kanta ng itchyworms
happy birthday sa iyo
ano nga bang pangalan mo?
happy birthday sa iyo
walang gustong maging katulad mo
sa tingin ko marami rami rin ang mga taong afflicted sa ganitong sakit. ung tipong hindi mapakali pag hindi bida sa kanyang kaarawan. ung allergic sa kakulangan ng mga bati, halik, yakap at ispesyal na atensyon tulad ng may magpipintura sa aspalto ng Acad Oval ng mensahe para sa iyo o yung mga nagdidikit ng copycat attempts sa mga dinidikit ng mga tibak pag nagyaya ng mob na ang tema ngayon ay mga birthday wishes.
oo aaminin ko, naiingit rin naman ako dun. kahit naman ngayon eh.in fact, there are still times when I wish I could have my own debut.
pero nung Thursday ko lang talaga na-realize na medyo may pagkakaiba na ako. nakakatuwa na may mga tao na maaga pa lang ay binati na ako. although hindi ako sure kung talagang nasapuso nila ang birthday ko or talagang adik lang sila sa friendster? thank you friendster, hahaha.
pero it was like an ordinary day. hinahabol ung mga chapters na hindi pa nagpapasa ng kanilang mga articles para sa Tinig ng Kabataang Makabayan - UP Diliman(sa mga newbies, iyan ang monthly publication ng Anakbayan - UP Diliman), pangungulit sa mga new members sa mga activities namin, pagpasok sa mga klase habang nakakatanggap ng mga balita kung paano pinapasok ng AFP ang campus namin. and the most surprising thing is, i didnt mind it at all.
aaminin ko, naka-save parin sa aking inbox ang lahat ng mga boitdei wishes na natanggap ko. memorized ko pa rin lahat ng yumakap sken bilang pagbati. pero malayo na talaga ito dun sa dating obssession ko sa pagkakaroon ng debut. ang biro na nga lang namin ni jo hindi ba dapat exempted ako sa gawain ngayon araw na ito?
haaaaay, ang saya. =)