Reposted from my blog: What if? Rant
kasabay (yes, nagtatagalog ako ngayon, dahil kailangan kong magpractice at dahil naiinis nalang ako dahil may naaasociate akong negative sa mga english-writing bloggers) ng pagtaas ng ahitasyon, bangkay at kung ano-ano pang kabalbalan kaugnay ng eleksyon, tumataas rin ang bilang ng mga blogfriends ko na nagppost ukol sa angas sa ganun o ganitong aspeto ng buhay. global warming? baka may ugnayan ang pagkainis sa pollusyon dali ng mga bansa tulad ng Estados Unidos? pero sa iba pang kwento yan…
napaisip lang ako, paano kung may access ang karaniwang Pilipino sa internet? paano kung para tayong nasa sci-fi movie kung saan ang access sa computer at internet ay libre? kung saan may mga computer stations na parang phone booths sa kung saan-saan? malabong mangyari, pero gusto ko sanang mapagisip ang bawat isang nagbabasa sa blog ko…
Posted: June 22, 2011
badtrip talaga itong araw na ito. umaga palang sira na araw ko. kung tutuusin, bawat araw ata na mula ng magkamalay ako ay sirang sira. kasi pare-pareho. hindi ko tuloy maintindihan saan nagmula yang islogan na "life is beautiful" ng mga estudyante sa UP. eh tila impyerno naman eh. isipin mo, gigising ka bawat umaga para pumila ng tubig dahil ang mahal na ng tubig mula ng binili ng mga poreyners yung maynilad. swerte pa nga kung makakuha ako ng tubig, eh kadalasan hindi. eh di late ako sa trabaho para sa wala. at naku, trabaho? punyetang 100% employment rate na nabasa ko sa diyaryo. may trabaho nga ako, pang ilang buwan lang. kelan ba ako huling nakaenkwentro ng taong tumatagal sa trabaho niya? para yatang makikita ko nalang yan sa museum kasama yung salamin ni ninoy. buti sana kung makapasok ako sa museum, eh kulang na kulang sweldo ko. siguro kung kayang mabuhay ng tao na sili ang ulam at toyo ang kanin, nasa langit na ako. ewan ko ba, hindi ko maintindihan paano na hocus-pocus sweldo ko eh sabi naman sa Channel 4 ang ganda ganda ng ekonomiya. di naman ako maka-angal, baka matulad ako dun sa 5 kasama ko sa opisina nung nakaraang buwan. umangal lang dahil walang matinong banyo, tinawag ng mga komunista. ayun, nawala na sila na parang bula. teka, sabi ng katabi ko di daw dapat ako nagsusulat ng ganito, binabasa daw kasi ng kung ano-mang ahensya lahat ng dumadaan sa internet. mautak, kaya pala sila gumawa nitong mga computer booths. nakakairita pa, nakasabay ko sa LRT 12 ang isang mukhang anak mayaman. may sapatos eh. namimiss ko tuloy ung panahon na kaya ko pang bumili sa sweldo ko ng mga pekeng Nike sa Quiapo. pakiramdam ko naubos nung bata yung pera niya sa gimik at wala yung mga magulang nya para tubusin siya. kasi, napadaan kami sa Morayta Station. sakto, andun nanaman yung mga taga Bayan. bigla namang humirit yung bata ng, "hay naku, its like they are making so gulo for nothing, what dont they just make enjoy life ano?". kung hindi lang siksikan, sasakalin kung yung lecheng yun. palibasa, hindi niya nararanasan buhay ng mga tulad ko. palibasa, namomroblema siya paano makakuha ng matataas na grado, eh mga anak ko nga, namomroblema kung paano sila kikita para hindi magutom ang buong pamilya. palibasa, nakakapagrebyu para makapasok sa La Salle Diliman (pero madami pa ring aktibista dun ah, kahit na iniba na ang pangalan at boss), eh mga anak ko, makakapasok lang sa LSD kung magwewelga yung mga aktibista dun. andami ko pang gustong isulat, kaso oras na para sa trabaho ko sa gabi. pag sumablay ako, wala akong pambili sa shabu dahil yun nalang ang nakakabuhay sa akin sa 2 oras na tulog kada araw buong linggo.
End of Post.